Sunday, June 3, 2012

Sam Pinto: "It's so not me," sa hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Panganiban

Pinabulaanan ni Sam Pinto ang pagkadawit nito bilang third party sa hiwalayan ng dating magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.
 
Ayon sa interview ng Startalk ng GMA Network kay Sam Pinto nitong Sabado, Mayo 19, hindi na raw nito dapat pang kausapin ang aktor dahil alam naman niya sa kanyang sarili na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan.
 
Wika pa niya, "For me, I don’t really have plans like, talking to him about it, kasi, what’s there to talk about?"
 


Kinumpirma kamakailan lang ni Derek Ramsay ang paghihiwalay nila ng kayang dating kasintahang si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account, isang social networking site.
 
Pinabulaanan din ng Kapuso aktres ang naging balita sa isang blog site na nagkasama silang dalawa ni Derek Ramsay sa Austalia noong Holy Week.
 
Aniya, "To all of you who were assuming it was me, that was so not me. Because I was just here in the Philippines with my family, spending time with them in Batangas. I never went to Australia, never been to Australia."
 
Dagdag pa nito, sinabihan raw siya ng kanyang ina na huwag ng pumunta ng Australia at pumarito nalang sa Pilipinas.
 
Ayon pa sa aktres, "My Mom was like, you should stay here with all the FHM [isang men's magazine sa Pilipinas] thing going on, you have to be seen, so sige, I just stayed here for Holy week."
 
Si Sam Pinto ang kasalukuyang number 1 sexiest Pinay ng For Him Magazine (FHM). Pinangaralan siya noong nakaraang taon, 2011.
 
Gayunpaman, hindi na rin daw sila nagkita ni Derek pagkatapos nilang magkasama sa isang proyekto para sa isang brand ng alak.
 
“I don’t know his number, he doesn’t know my number, and we only worked once, and then that was it. We never saw each other again,” pahayag ng aktres.
 
Hindi na rin binigyang pansin ni Sam Pinto ang mga 'Twitter bashers' nito dahil wala namang patunay ang mga binibintang nila sa kanya ukol sa hiwalayan nina Derek at Angelica.
 
Gayundin, bagamat English ang lenggawaheng ginagamait ng aktres bago pa man ito pumasok sa Showbiz, proud naman ito sa kanyang sarili dahil magaling na raw siyang magsalita ng Filipino.
 
Wika pa ng aktres, “Pagdating dito sa Showbiz, lahat Tagalog, so, nasho-shock yung brain ko. Now, ang galing ko na sobrang magtagalog. I’m so proud of myself.” — Mac Macapendeg/ELR, GMA News

No comments:

Post a Comment